^

Metro

Pagbabalik sa online learning ng mga driving school, giit sa LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng mga  driving school  sa Land ransportation Office (LTO) na ibalik ang online learning sa pagmamaneho upang kahit paano ay mabuhay ang kanilang negosyo .

Ang panawagan ay ginawa ng mga driving school owners nang magpasya ang Department of Trade and Industry (DTI ) na muling ipasara ang mga driving school dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Richard Lugtu, may-ari ng Majesty driving school sa Quezon City, susunod sila sa direktiba ng DTI.

Gayunman, inihihirit nila na magtuluy-tuloy ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng online learning.

Anya, malaki  ang epekto ng dalawang linggong pagsasara ng negosyo dahil nagbabayad sila ng monthly rentals kasama na ang amortization ng kotseng hinuhulugan na gamit sa pagtuturo sa pagmamaneho at  pagkukunan ng pang-suweldo sa mga tauhan.

Niliwanag ni Lugto na  kahit noong kasagsagan ng pandemya ay mahigpit silang sumusunod sa health protocols at mimonitor ng LTO NCR ang kanilang operasyon para matiyak na tumatalima sa health protocols na itinakda ng pamahalaan ngayong pandemic.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with