^

Metro

5 patay sa sunog sa Corinthian Gardens sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
5 patay sa sunog sa Corinthian Gardens sa Quezon City
Ang mga biktima ay nakilalang sina Gilbert Yu, 65, at kanyang maybahay na si Charito , 62; gayundin ang kanilang mga kaanak na sina Ryan Yu; Abegail Yu; at Rita Yu, 57, habang sugatan naman sina Cheryl Yu, 27, na nagtamo ng minor injuries sa mga braso at tuhod; Richard Yu, 66, at Stephanie Yu, 24, na kapwa nahirapan sa paghinga at pawang isinugod na sa The Medical City para malapatan ng lunas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan sa isang sunog na tumupok sa kanilang tahanan sa Corinthian Gardens, Brgy. Ugong Norte, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Gilbert Yu, 65, at kanyang maybahay na si Charito , 62; gayundin ang kanilang mga kaanak na sina Ryan Yu; Abegail Yu; at Rita Yu, 57, habang sugatan naman sina Cheryl Yu, 27, na nagtamo ng minor injuries sa mga braso at tuhod; Richard Yu, 66, at Stephanie Yu, 24, na kapwa nahirapan sa paghinga at pawang isinugod na sa The Medical City para malapatan ng lunas.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Quezon City, bago mag-ala-una nang madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag ng bahay ng pamilya Yu, na mayroong basement, Castrillo St., Corinthian Gardens Subd., sa Brgy. Ugong.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay at mabilis na kumalat sa iba pang bahagi nito.

Nakulong naman sa loob ng bahay ang mga biktima na natutulog nang magsimulang sumiklab ang apoy.

Ayon kay BFP-QC chief of operations Fire Chief Inspector Joseph Del Mundo, nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa bahay dahil secured ang mga ito ng mga rehas at makakapal ang mga salamin ng bintana nito.

Madilim din umano at walang emergency light.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang fire under control dakong alas-3:50 ng madaling araw at tuluyang naapula dakong alas-5:25 ng madaling araw.

Wala naman umanong ibang tahanang nadamay sa sunog, na inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, posibleng umabot sa P60 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with