^

Metro

Pekeng NBI, 2 pa huli sa baril at Marijuana

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong indibiduwal kabilang ang isang nagpanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto ng Pateros Police matapos masamsaman ng  baril at marijuana habang paikut-ikot sakay ng kotse na walang plaka, sa Pateros.

Sa ulat ng Pateros Municipal Police Station na­kilala ang mga nadakip na sina Mark Anthony Wright, 33, ang nagpakilalang NBI agent;  Abraham Itchon, 46, at Michael Pracey Cruz , 20.

Dahil sa kahina-hinalang kilos at walang plakang sasakyan, itinawag sa Sub-Station 3 ng Pateros Police ang mga suspek na nasa loob ng isang pula na Toyota Vios, sa College St., Brgy. Sto. Rosario-Kanluran, Pateros, dakong alas -11:20 ng gabi kamakalawa.

Sa pagresponde, sinita ng mga pulis ang nasabing sasakyan at agad na nagpakilalang NBI agent si Wright at nagpakita pa ng ID ng NBI.

Mabilis na beniripika ang ID at natukoy na peke, kaya kinumpiska ang isang lisensiyadong kalibre 45 Norinco na may 2 magazines at 12 bala.

Nakuha naman sa pag-iingat ni Itchon ang isang Colt .45 na may isang ma­gazine at 7 bala habang kay Cruz naman ay isang medium sachet ng pinatuyong marijuana na may timbang na 2.5 gramo at isang glass tube pipe na may bakas pa ng sinunog na marijuana.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor’s Office ang mga suspek sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 10591(Illegal Possession of Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act), habang si Wright ay may dagdag na kakaharaping Usurpation of Authority.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with