^

Metro

DOJ, DSWD Central Office naka-lockdown

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOJ, DSWD Central Office naka-lockdown
Kinumpirma ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar ang lockdown mula kahapon, (Marso 19) hang­gang Martes (Marso 23) upang bigyang-daan ang disinfection at contact tracing.
Philstar.com/file

MANILA, Philippines — Naka-lockdown umpisa kahapon ang punong-tanggapan ng Department of Justice (DOJ) makaraang umakyat na sa 17 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa ahensya.

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar ang lockdown mula kahapon, (Marso 19)hang­gang Martes (Marso 23) upang bigyang-daan ang disinfection at contact tracing.

Habang nasa lockdown, magtatrabaho pa rin naman mula sa kanilang mga bahay ang mga empleyado gamit ang internet habang mag-iiwan ng skeletal staff na siyang tatanggap ng mga dokumento at iba pang tauhan na nasa frontline services.

Mula noong 2020, umabot na sa 35 ang empleyado na dina­puan ng COVID-19. Pito sa mga bagong kaso ay nadiskubre nito lang Marso 18.

Isa naman sa mga dinapuan ng virus ay nasawi noong nakaraang taon ngunit hindi umano COVID-19 ang dahilan ng pagkamatay.

Samantala, tatlong araw na naka-lockdown ang main office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batasan Complex, Quezon City mula noong Huwebes hanggang nga-yong Sabado matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang em­pleyado ng ahensiya.

Habang nasa qua-rantine facilities na ang naturang mga kawani na positibo sa virus, tatlong araw isasailalim ang ahensiya sa disinfection at sanitation at bibigyang daan ang antigen test sa mga manggagawa nito.

Pinalilimitahan na rin ni DSWD Sec. Roland Bautista ang bilang ng mga nagtutungo sa kanilang tanggapan tulad ng mga kumukuha ng payout ng 4Ps.

Simula sa Lunes, 50% lamang din ang magiging workforce ng DSWD habang ang iba ay naka-work from home bilang bahagi ng hakbang ng ahensiya na maibsan ang hawahan ng virus sa workforce.

Unang iniulat ng QC LGU na number 1 ang workforce sa hawaan sa virus ng COVID.

vuukle comment

DOJ

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with