^

Metro

Patung-patong na kaso vs driver ng SUV na umararo sa Land Bank

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Patung-patong na kaso vs driver ng SUV na umararo sa Land Bank
Ang isang Mitsubushi Montero SUV ay nakikita sa loob ng Landbank EDSA Congressional branch sa Quezon City matapos itong bumangga Miyerkules ng umaga, Marso 17 2021.
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng District Traffic Enforcement Unit Sector 6 ng Quezon City Police District ang driver ng SUV Mitsubishi Montero na umararo sa isang sa-ngay ng Land Bank of the Philippines sa Edsa Muñoz, Quezon City.

Reckless imprudence resulting to damage to property at physical injury ang kinakaharap na kaso ni Dra. Ester Pe-ralta, ng Manila Health Department.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni Police Staff Sargeant Ruel Ang, pasado alas-8 ng umaga kamakalawa nang maganap ang insidente. Katatapos lamang umanong mag-withdraw ni Dra. Peralta sa ATM ng Land Bank nang ito ay sumakay ng kanyang Montero model 2012.

Iginiit ng driver na naka-park mode ang kambyo ng kanyang sasakyan nang bigla itong umarangkada at tinumbok ang bangko.

Mechanical error o problema sa computer box ng SUV ang itinuturo ng driver na dahilan ng nasabing aksidente. Pero sabi ng imbestigador, posibleng human error din ang sanhi ng insidente.

Nasugatan ang isa sa mga empleyado ng bangko na si Aireen Marco, 44, habang umabot sa P2.6 million halaga ng pasilidad ang nasira sa loob ng Land Bank.

vuukle comment

LANDBANK

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with