^

Metro

Retoke sa puwit pumalpak, pekeng doktor ipinaaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Retoke sa puwit pumalpak, pekeng doktor ipinaaresto
Kinilala ang inaresto na si Gerlon Sadsad na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 o ang The Medical Act of 1959.
Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines — Isang umano’y pekeng doktor ang dinakip ng mga tauhan ng  National Bureau of Investigation (NBI) makaraang ireklamo ng isang babaeng negosyante matapos na pumalpak ang ipinaretoke nitong puwit.

Kinilala ang inaresto na si Gerlon Sadsad na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 o ang The Medical Act of 1959.

Ayon sa NBI, inamin ng biktima na nagpaturok siya sa suspek sa pangako na uumbok ang kaniyang puwitan. Ngunit hindi nangyari ito at sa halip ay namaga, nagkulay talong at nanakit ang bahagi na tinurukan ng suspek.

Dito nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng NBI-Special Action Unit sa may Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek makaraang hindi siya makapagpakita ng lisensya para magpraktis ng medisina.

Nakumpiska rin sa suspek ang mga syri­nges, topical anesthesia, at iba pang mga medical equipments at kemikal.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with