^

Metro

P5,000 multa, 1 buwang kulong sa walang face mask sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P5,000 multa, 1 buwang kulong sa walang face mask sa Caloocan
Nabatid na nakasaad sa City Ordinance No.0884-2020 na mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang paggamit ng face mask sa lahat ng pampublikong lugar sa Caloocan ngayong panahon ng pandemya.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Mas lalo pang hinigpitan ng pamahalaang lungsod ng  Caloocan ang paggamit ng  face mask matapos na maglabas ito ng  multang  P5,000 at  isang buwang pagkakakulong sa sinumang  mahuhuli na hindi nagsusuot at maling pagsusuot ng  face mask.

Nabatid na  nakasaad sa City Ordinance No.0884-2020 na  mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang paggamit ng face mask sa lahat ng pampublikong lugar sa Caloocan ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan,  ang nasabing multa ay hindi para pahirapan ang publiko kundi upang disiplinahin at proteksiyunan sila mula sa COVID-19.

Aniya, hindi biro ang biglaang pagtaas ng bilang ng  kaso ng COVID lalo na at may mga nagsusulputang  ibang va­riant ng  virus.

Dagdag pa ni Malapitan, ang paggamit ng face mask ay simpleng tulong lamang sa mga frontliners na itinataya ang sariling buhay at kalusugan para sa proteksiyon ng  publiko.

Samantala, patuloy sa paglobo ang active COVID cases sa lungsod na 756 na nitong 5 pm ng Marso 16. Umabot na sa 15,693 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, kung saan 14, 434 na ang gumaling at 503 na ang namamatay.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with