^

Metro

Mayor Vico, negatibo sa COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, negatibo sa COVID-19
Si Pasig City Mayor Vico Sotto ay unang sumailalim sa RT-PCR test nitong Linggo at nagsimulang mag-quarantine matapos na ma-exposed sa kanyang driver na, na nagpositibo sa virus at nitong Biyernes lamang ay tuluyan nang binawian ng buhay.
The STAR/ Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagnegatibo sa COVID-19 si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Si Sotto ay unang sumailalim sa RT-PCR test nitong Linggo at nagsimulang mag-quarantine matapos na ma-exposed sa kanyang driver na, na nagpositibo sa virus at nitong Biyernes lamang ay tuluyan nang binawian ng buhay.

Nitong Lunes ng hapon naman ay lumabas na ang resulta ng RT-PCR test na isinagawa kay Sotto at negatibo naman ang resulta nito.

“NEGATIVE ang result ng pcr test ko,” anunsiyo ni Sotto, sa kanyang social media account.

Kinumpirma din ng alkalde na sumailalim din sa pagsusuri ang kanilang mga nakasama sa sasakyan at pawang nagnegatibo na rin ang mga ito sa virus.

Kaugnay nito, inaasahang tatapusin pa rin ng alkalde ang kanyang 14-day quarantine period bilang pagtalima sa guidelines ng Department of Health (DOH).

Una na rin namang kinansela ni Sotto ang kanyang mga meeting at appointments ngunit plano aniya niyang ituloy ang trabaho kahit nasa quarantine sa pamamagitan ng Zoom, Viber, Text at mga tawag sa telepono.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with