^

Metro

Mga abogado puwedeng mag-armas - DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga abogado puwedeng mag-armas - DOJ
Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, wala namang makapipigil sa mga abogado sa pagbili ng mga baril bilang proteksyon kasabay ng mga nakakaalarmang kaso ng pagpatay sa kanilang hanay.
Presidential Photo/Toto Lozano

MANILA, Philippines — Maaaring magdala ng armas kahit kailan ang mga abogado para maproteksyunan ang kanilang mga sarili.

Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, wala namang makapipigil sa mga abogado sa pagbili ng mga baril bilang proteksyon kasabay ng mga nakakaalarmang kaso ng pagpatay sa kanilang hanay.

“Alam ng mga abo­gado na labis na mapanganib ang kanilang trabaho at walang batas na nagbabawal sa kanila para mag-armas,” ayon kay Guevarra.
Suportado rin umano ito ng pamahalaan at maaari pang tumulong ang gobyerno para mapabilis ang pagkuha nila ng mga lisensya at permit to carry firearms.

Aminado rin ang kalihim na nakakaalarma na ang sunud-sunod na pagpaslang sa mga abogado sa bansa.

Nitong kaagahan ng Marso, sinaksak ng da­lawang hindi nakilalang salarin si Atty. karlo Guillen, isa sa petitioner ng Anti-Terrorism Law.
Tiniyak din niya na magpapatuloy ang DOJ at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng patayan sangkot ang mga abogado para mabigyan sila ng hustisya. Bumuo na umano sila ng imbentar­yo sa mga kasong ito.

Pinayuhan naman niya ang mga abogado na responsibilidad nila na ipaalam sa mga law enforcement agencies kung may natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay para madetermina ito at mabigyan sila ng proteksyon.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with