^

Metro

Extortionist gamit si Sen. Go, timbog ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na gumagamit sa pangalan ni Senador Bong Go para makapangotong sa mga negosyante sa isang operas­yon nitong Miyerkules.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si John Carlos Pedragosa Garcia, nasa hustong gulang. Nagawa umanong makatangay ng suspek ng tinatayang nasa P6 milyon sa ilang negosyante at pribadong indibiduwal sa Albay, Laguna, Quezon at Rizal gamit ang pangalan ng senador.

Unang dumulog sa NBI ang isang negosyante na biktima ng suspek na nagsabing tinangayan siya ng suspek ng P50,000 at tinukoy rin ang iba pang indibiduwal na nabiktima ng suspek. Isa pang biktima ang tinuro si Garcia na bumili ng kaniyang kotse at nagbigay ng tseke sa halagang P250,000 na tumalbog.

Isa ring babaeng biktima na taga-San Pablo, Laguna ang nagsabi na tinangayan siya ng suspek ng P1 mil­yon kapalit ng pangako na makikipag-usap sa kaniya si Sen. Go para maibigay sa kaniya ang proyekto sa pagtatayo ng pasilidad sa Sto. Domingo, Albay na pagtatayuan ng isang POGO facility.

Nang puntahan niya ang tanggapan ng senador, nadiskubre niya na hindi talaga empleyado si Garcia na hindi na niya mahagilap.

Nagpatuloy ang surveillance operation ng NBI hanggang sa matukoy ang kinaroroonan ng suspek sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan gamit ang kotse na tinangay niya sa isa niyang biktima.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with