^

Metro

Mahuhuling quarantine violators, swak agad sa ‘isolation facilities’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mahuhuling quarantine violators, swak agad sa �isolation facilities�
Ito ang babala ni Manila City Mayor Isko Moreno sa mga residente ng tatlong barangay sa lungsod na isinailalim sa lockdown dahil sa mabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Ididiretso sa mga ‘isolation facilities’ ang sinumang residente ng mga barangay sa Maynila na nasa ilalim ng lockdown na lalabag sa protocols upang sumailalim sa 14 na araw na quarantine.

Ito ang babala ni Manila City Mayor Isko Moreno sa mga residente ng tatlong barangay sa lungsod na isinailalim sa lockdown dahil sa mabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19.

“Lahat ng lalabas na hindi kasali sa pinapayagan, ilalagay po namin kayo sa quarantine facility ng 14 days kasi you are exposing others to danger. So, ‘wag kayo lalabas.  Kaya nga inagahan ko na ang abiso to give you the chance to buy food,” ayon kay Moreno.

Tanging mga “authorized persons outside residence (APOR) lamang ang pinapayagang makalabas sa kanilang mga bahay habang nasa lockdown ang kanilang barangay.

Babala naman ng alkalde sa mga opisyal ng barangay, agad na isasailalim sa lockdown ang kanilang nasasakupan kung makapagtatala ng 10 o higit pang kaso ng COVID-19.

Base sa rekomendasyon ng Manila Barangay Bureau, kabilang sa isinailalim sa lockdown ang: Barangay 351 sa likod ng San Lazaro, Tayuman na nagrehistro ng 12 COVID cases; Barangay 725 sa Malate na may 14 cases; at bahagi ng  Barangay 699 sa M. Adriatico partikular sa Bayview Mansion Building at Hop Inn Hotel sa Malate na may 17 cases.

Magsisimula ang lockdown sa nasabing mga lugar alas- 12:01 ng madaling araw ng Marso 11 hanggang alas-11:59 ng hatinggabi ng Marso 14.

vuukle comment

QUARANTINE VIOLATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with