^

Metro

Mga negosyo sa Quezon City kailangan nang gumamit ng ‘KyusiPass’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangan nang gu­mamit ng mga establisimyento sa Quezon City ng KyusiPass digital contact tracing app para sa kanilang mga em­pleyado at mga custo­mers upang makatulong sa pagpapalakas ng contact-tracing ng lokal na pamahalaan.

“As far as practicable, all business establishments in QC must use our KyusiPass app to make contact tra­cing easier and faster for early detection of the virus,” pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Magagamit anya ng pamahalaan ang contact tracing app upang mabilis na mahanap ang mga nagtutungo sa isang establisimyento o negosyo sa Quezon City.

Ang mga establisimyento naman na gumagamit pa rin ng manual contact tra­cing ay dapat na hikayatin ang kanilang mga kostumer na magdala ng sarili nilang ballpen para sa paglagda nila ng kanilang pangalan, address at contact number.

Maaring kumuha ang mga negosyo ng kanilang QR code sa Business Permits and Licensing Department ng lungsod.

“For clarity, a lessee inside a larger establishment, like individual stores inside malls, should have its own contact tracing log,” paliwanag ni Belmonte.

Sa pinakahuling guidelines na nilagdaan ni Belmonte, tanging ang mga indibiduwal na 15-65 anyos lamang ang pinapayagang lumabas ng tahanan maliban na lamang kung may mahalagang rason.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with