^

PM Sports

3rd FIBA Qualifiers gaganapin sa Hunyo

John Bryan Ulanday - Pang-masa
3rd FIBA Qualifiers gaganapin sa Hunyo
Sonny Barrios

MANILA, Philippines — Posibleng sa Hunyo na matuloy ang natenggang ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios, Hunyo 14-20 ang inisyal na iskedyul ng FIBA sa torneong orihinal na nakatakda noong Pebrero 18-22.

“Sa ngayon, ‘yan ang tentative. Hindi pa sila nag-lalabas ng official release, pero ‘yun ang tinitignan sa ngayon,” ani Barrios sa Power and Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

Bumalik sa Pinas ang hosting ng huling qualifiers matapos umatras ang Qatar noong nakaraang buwan bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Sa naturang torneo ay maglalaro sana si Filipino teen sensation Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas, na nasa Group A kasama ang South Korea, Thailand at Indonesia.

May hawak na 3-0 kartada ang Nationals at isang panalo nalang ang kailangan upang pormal na makapasok sa FIBA Asia Cup na gaganapin naman sa Jakarta, Indonesia sa Agosto.

Sa ngayon, inaayos na ng SBP ang preparas-yon sa hosting sa patuloy na koordinasyon sa Inter-Agency Task Force at Clark Development Corporation gayundin ang mga gagamiting venues.

Katulad ng PBA ay sa Quest Hotel tutuloy ang FIBA at mga teams delegation habang sa Angeles University Foundation gym naman gaganapin ang mga laro sa ilalim ng mahigpit na protocols.

Samantala, idinagdag ni Barrios na patuloy ang komunikasyon ng SBP at PBA  sa planong isali ang Gilas bilang guest team sa liga para sa paghahanda na rin sa mga nakalinya nilang kompetisyon.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with