^

Metro

Kamay na bakal gagamitin na sa mga pasaway sa protocols

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kamay na bakal gagamitin na sa mga pasaway sa protocols
Ito ay ginawa ni Mayor Belmonte sa harap na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City na anya’y dahil sa mga pasaway na sumusuway sa mga ordinansa hinggil sa health protocols.
Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga lalabag sa health protocols na  gagamit na ng kamay na bakal ang lokal na pamahalaan laban sa mga pasaway na itinatakda ng mga ordinansa para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay ginawa ni Mayor Belmonte sa harap na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa QC  na anya’y dahil sa mga pasaway na sumusuway sa mga ordinansa hinggil sa  health protocols.

“Marami sa ating mga kababayan ang hindi sini­seryoso ang ating mga ordinansa ukol sa ating health protocols. Now, we will give them a reason to take this very seriously as we won’t be lenient this time around,” pahayag ni Belmonte.

Nairita si  Belmonte  nang ihayag ni  Dr. Rolly Cruz, head  ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na ang  average daily new cases sa QC ay umabot na sa 149  mula Feb. 25, 2021  hanggang  March 4, 2021.

Sinabi ni  Belmonte ang mga lalabag sa  health protocols tulad ng hindi pagsusuot ng face masks  sa pampublikong lugar ay pagmumultahin on the  spot  para maturuan ng leksyon  dahil sa paglalagay sa panganib sa kanyang buhay at sa buhay ng ibang tao.

Noong una ay nag-iisyu lamang ang lokal na pamahalaan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa mga  violators ay binibigyan ng pagkakataon na magbayad sa multa sa loob ng 5 araw pero ngayon ay on-the-spot nang pagmumultahin ang violators.

Binalaan din ni Belmonte ang mga  establishment owners na lalabag sa  minimum health standards na parurusahan lalo na ang mga  hotels na gamit ang kanilang pasilidad bilang  quarantine facilities para sa OFWs.

“There were reports that some quarantine hotels allow patients to leave the quarantine premises even before they finish the required quarantine period,” dagdag ni  Belmonte.

Maaari rin umanong magsampa ng kaukulang kaso ang lokal na pamahalaan sa mga violators  ng quarantine, isolation, at iba pang  health protocols.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na suspendihin ang pagre-release ng police clearance, occupational permit, barangay clearance at hawkers’ permit sa mga mahuhuling indibiduwal o establisimiento na ayaw magbayad ng penalty na nakasaad sa kanilang OVR.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with