Kaso ng COVID-19 SA Metro Manila, nasa 900 itinataas kada araw
MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 900 kada-araw ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nagdaang linggo.
Ito ay nagpapakita ng 50% taas mula sa nagdaang linggo at may 119% pagtaas mula sa nagdaang dalawang linggo, batay sa ulat ng OCTA Research group.
Sa pinakahuling ulat ng OCTA, ang reproduction number sa Metro Manila ay tumaas sa 1.47 habang ang positivity rate ay umabot sa average na 7% sa nagdaang linggo.
Ayon sa grupo, ang reproduction number na 1 o mataas pa ay nagpapakita ng mabilis na COVID-19 transmission.
“While the South African SARS-CoV-2 B.1.351 variant was identified in Pasay, it is not yet known how prevalent the variant is in the NCR,” ayon sa OCTA research team.
Ayon sa OCTA na bagama’t tumataas ang arawang kaso ng COVID-19, nananatili namang mababa ang hospital occupancy sa Metro Manila na nasa 41%.
Ayon sa OCTA group, halos lahat ng lungsod sa Metro Manila ay nagpakita ng pagtaas ng impeksiyon.
Ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 6 na kaso ng South African variant at 87 UK variant at 34 cases na may dalawang mutations.
- Latest