^

Metro

Dinukot na Taiwanese, nasagip

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailigtas ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG)  ang isang dinukot na Taiwanese ka­makalawa ng gabi sa ­Pa­rañaque.

Ayon  kay PNP chief Gen. Debold Sinas, si Wu Keng Hao, ay na-rescue sa Pearl Marina building sa Parañaque City dakong alas-9:30 ng gabi sa Unit 2824.

Bago naganap ang pagdukot, nabatid na  nag-apply ng trabaho ang biktima sa Te­legram Apps noong Pebrero 26 sa pamamagitan ng  social media platform na pinangangasiwaan ng  Yinghuang Yule E na isang Chinese company. Sasahod ang biktima ng 13,000 RMB o P87,100 kada buwan.

Matapos na magkasundo,  sinundo si Wu ng isang Filipino driver at umano’y Chinese employee ng Yinghuang Yule Company at dinala sa isang  hotel sa Pasay City  para umano sa  i-quarantine.

Dinala siya sa Room 607  nang dumating ang isang Chinese para naman umano sa COVID-19 testing. Dahil sa duda, tumanggi si Wu na sumama.

Pebrero 28, nang sunduin ng  grupo ng mga  Chinese ang biktima at dinala sa Las Piñas City at sinabihan ibinenta na siya sa halagang 30,000RMB  o P201,000 sa isang POGO company.

Kinabukasan, Marso 1, mu­ling ibinenta ng 3rd POGO company ang biktima sa halagang 30,000RMB sa ipang POGO company na  3+7 na may  office  address sa  Pearl Marina Plaza, Pacific Avenue, Parañaque City.

Dito na nagkaroon ng  duda ang security personnel kaya agad na nakipag-ugnayan sa PNP- AKG kung saan na-rescue ang biktima.

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with