^

Metro

70% ng Marikina health workers, handang magpaturok ng Sinovac

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
70% ng Marikina health workers, handang magpaturok ng Sinovac
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, nakumbinse at nagbigay ng consent ang mga natu­rang healthcare workers upang maturukan sila ng Sinovac COVID-19 vaccine.
AFP/CHAIDEER MAHYUDDIN

MANILA, Philippines — Nasa 70 porsyento ng healthcare workers sa Marikina City ang nagpahayag nang kahandaan na tumanggap ng Sinovac vaccine mula China.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, nakumbinse at nagbigay ng consent ang mga natu­rang healthcare workers upang maturukan sila ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Samantala, ang natitira pa aniyang 30 porsiyento ng healthcare workers sa lungsod ay nagpasabing maghihintay muna ng pagdating ng AstraZeneca, na siyang preferred nilang brand, bago magpaturok ng bakuna.

Bagama’t bibigyan ng pamahalaan ang mga health workers ng karapatang tumanggi ay pinayuhan naman ni Teodoro ang mga ito na mas makabubuti kung magpabakuna kaagad, sa halip na hintayin pa ang pagdating ng nais nilang vaccine brand upang magkaroon na kaagad ng proteksiyon lalo na’t palagi silang lantad sa virus.

“Mabuting may proteksyon ka na sa pagkakataong ito. Dahil kung maghihintay ka pa ng linggo o buwan bago mo matanggap ang preferred vaccine mo, ‘yung oportunidad para dun sa viral transmission ay naroon palagi,” paliwanag pa ni Teodoro, sa panayam sa radio at telebisyon.

Sinabi ni Teodoro na isa ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa mga unang makakatanggap ng bakuna dahil isa itong COVID referral hospital.

Aminado naman si Teodoro na hindi kasama sa order nilang bakuna ang Sinovac, ngunit ayaw aniya nilang alisin ang pagkakataon sa mga kababayan na mabakunahan agad.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with