^

Metro

10 katao, nasagip sa nasunog na gusali sa Greenhills

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 10-katao ang nailigtas ng mga bumbero mula sa isang nasunog na high-rise building sa Greenhills, San Juan City, kahapon ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-San Juan (BFP-San Juan), kabilang sa mga nailigtas ay mga senior citizens, mga bata at isang sanggol, na hindi na pinangalanan.

Sinabi ni BFP-San Juan director Supt. John F. Pinagod Jr. na dakong alas-9:45 ng umaga nang magsimula ang sunog sa Annapolis Tower, na matatagpuan sa 43, Annapolis St., sa Brgy. Greenhills, San Juan.

Hindi umano kaagad na nakalabas ng gusali ang mga naturang residente kaya’t kaagad silang sinagip ng mga tauhan ng BFP-San Juan.

Gumamit umano ang mga bumbero ng aerial ladder mula sa Special Rescue Force ng BFP-National Capital Region (NCR) para ma-rescue ang mga na-trap na biktima. Dakong alas-10:50 ng umaga nang mai­deklarang under control ang sunog na umabot sa ikalawang alarma at alas-11:17 ng umaga naman nang tuluyan itong maapula.

Sinabi ni Pinagod na nagmula ang sunog sa kisame ng ikalawang palapag ng gusali ngunit hindi pa batid ang pinagmulan nito.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with