^

Metro

Ilang COVID-19 vaccine recipients sa Marikina, nag-backed out

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na ilang recipients ng COVID-19 vaccine ang nag-backed out o umurong, isang araw bago tuluyang isagawa ang vaccination rollout sa lungsod ngayong araw.

Ayon kay Teodoro, prioritized recipients ng COVID-19 vaccines sa isang pagamutan nila ang umurong at ayaw munang magpabakuna.

“Dito sa ospital namin, to be honest and candid, meron kaming naka-schedule na babakunahan na kulang-kulang 2,000. Ito ‘yung nagbigay na ng consent. Last minute, may nag-back out na lima,” aniya, sa panayam sa radio.

Tiniyak naman ni Teodoro na naghanda ang city government ng listahan ng mga substitutes para siyang pumalit sa mga scheduled recipients na hindi sisipot sa oras ng pagbabakuna sa kanila upang hindi masayang ang mga vaccine.

Ipinaliwanag ng alkalde na maaari lamang tumagal ng hanggang limang oras ang bakuna sa sandaling ma-dilute na ito kaya’t masasayang ito kung hindi maituturok.

Ang isang vial umano ng COVID-19 vaccine ay maaaring ibigay sa apat hanggang limang recipients.

Inirekomenda naman niya na upang hindi masayang mga bakuna ay maghanda ng backup recipients ng mga ito.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with