^

Metro

Ginang sinita sa face mask, huli sa P 2 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ginang sinita sa face mask, huli sa P 2 milyong shabu
Kinilala ni Caloocan City Police Chief P/ Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspect na si Janice Espiritu, residente ng Brgy., 143 ng nasabing lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na ginang ang nadakip matapos mahulihan ng may P.2 milyong halaga ng shabu makaraan namang una siyang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng face mask kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief P/ Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspect na si Janice Espiritu, residente ng  Brgy., 143 ng nasabing lungsod.

Bandang alas-3:20 ng madaling araw, ayon kay Mina nang magsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Bagong Barrio Sub Station ng Caloocan City Police katuwang ang mga ­elemento ng 2nd Mobile Force Company-Regional Mobile Force Battalion (MFC-RMFB) sa kahabaan ng Magaling Street, Brgy.  145 ng dumaan ang suspect na walang suot na face mask.

Nang sitahin, agad na nagtatakbo ang suspect na tinangkang tumakas subali’t, nagawa itong makorner ng humabol na  mga pulis.

Sinasabing ang suspect ay isang notoryus na ‘tulak’ ng droga sa kanilang barangay.

Nang inspeksyunin ang dalang sling bag ng suspect ay nakuha mula rito ang isang medicine kit at anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 gramo ng   shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000 .00.

Kasakulukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspect  na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with