^

Metro

4-buwang sanggol sa Pasay, positibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4-buwang sanggol sa Pasay, positibo sa COVID-19
“Makakaasa po silang mag-ina ng tulong mula sa ating lokal na pamahalaan sapagkat bilang isang ina rin ay talagang nag-aalala ako at hindi ko po maisip ang aking gagawin kung malalagay sa panganib ang aking anak na sanggol,” ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

55 baranggay na ang naka-lockdown

MANILA, Philippines — Isang 4-buwang sanggol ang natuklasan ng city health office na nagpositibo sa COVID -19 sa Pasay City.

Nangako naman ang  Pamahalaang Lungsod ng Pasay na bibigyan ng ibayong tulong ang pamilya ng sanggol.

“Makakaasa po silang mag-ina ng tulong mula sa ating lokal na pamahalaan sapagkat bilang isang ina rin ay talagang nag-aalala ako at hindi ko po maisip ang aking gagawin kung malalagay sa panganib ang aking anak na sanggol,” ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sinabi ng nurse na si Mark Anthony Ejercito Castillo, nakatalaga sa City Disaster Risk Reduction and Management Office , na siyang unang rumes­ponde ng malaman nila na positibo sa COVID-19 ang beybi, na inilipat na nila sa MOA Quarantine Facility ang sanggol kasama ang kanyang 23-anyos na ina.

Samantala, nagpapasaklolo na sa Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan ng Pasay City makaraang umakyat na sa 55 ang bilang ng barangay na naka-lockdown habang pinangangambahan rin na posibleng UK variant ng CO­VID-19 ang kumakalat.

Nais ni Mico Llorca, officer-in-charge ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit na isailalim sa “genome sequencing” ang mga samples sa siyudad para makumpirma kung anong variant ng ­COVID-19 ang tumama sa kanila dahil sa hindi pangkaraniwang hawahan.

“Kasi nagkaroon po kami ng report ng UK variant nung February 12, kumbaga, yung pinapakita niyang criteria, medyo pasok eh.  Kasi nga, unusual, tapos ang bilis po magkahawahan,” ayon kay Llorca.

Umakyat na sa 395 ang active cases sa lungsod kung saan 66 sa mga kaso ay magkakasama sa bahay kabilang nga  ang mag-ina

vuukle comment

LOCKDOWN

PASAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with