^

Metro

3 mag-uutol, 2 kasabwat kalaboso sa shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang drug suspects, na kinabibilangan ng tatlong magkakapatid at dalawa pa nilang kasabwat, ang inaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa loob ng isang apartelle sa Brgy. Kristong Hari, sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen Danilo Macerin ang mga naarestong suspek na sina Marvin Reyes, 29, na siyang target ng operasyon; at kanyang mga kapatid na sina Rosalyn Reyes, 31; at Maricris Reyes, 28; gayundin ang kanilang mga kasabwat na sina Oliver Cordora, 31; at Japeth Piedad, 32; pawang residente ng Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ang mga suspek ay inaresto sa isang buy-bust operation na ikinasa dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa sa loob ng Room no. 23, Crest Apartelle, na matatagpuan sa E. Rodriguez Sr., Brgy. Kristong Hari.

Batay sa ulat, bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD-Kamuning Police Station 10 (PS-10) hinggil sa ilegal na aktibidad ni Marvin, na nagbebenta umano ng shabu sa bisinidad ng Brgy. Kristong Hari, kaya’t nagsagawa ng buy-bust operation laban sa kanya.

Nang makabili ng P12,500 halaga ng shabu ang isang poseur buyer ay kaagad nang inaresto ang mga suspek, na nakumpiskahan ng P414, 800 halaga pa ng shabu.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with