^

Metro

‘Pork holiday’ ng meat vendors, nagpatuloy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinagawa ng mga pork vendors ang ikalawang araw ng kanilang ‘pork holiday’ dahil sa hindi kayang maibaba ang presyo ng pork products gaya ng nais ng pamahalaan nang magpatupad ng price ceiling sa karneng baboy.

Ayon sa mga meat vendors ng QC, mataas  pa rin ang halaga ng karne ng baboy sa mga meat traders at maaaring  malugi lamang sila kung magtitinda.

Sa Murphy Market sa QC, walang nagtinda ng manok at baboy dahil ang mahigit 50 meat vendors dito ay nagkasundong huwag munang magtinda dahil sa price cap.

Sa ilalim ng price ceiling na naipatupad mula February 8 ng pamahalaan, dapat ay mapako sa P270 ang per kilo ng  kasim at  pigue, P300 sa bawat  kilo ng liempo habang P160 per kilo ang karne ng manok.

Nagkulang sa suplay ng baboy ang MMLA dahil ang mga alagaing baboy  sa Pampanga at Bulacan ay  naapektuhan ng African Swine Flu (ASF).  Ang pork products ngayon ay nanggagaling mula sa Batangas at Quezon Province, gayundin sa  Visayas at Mindanao kaya may kamahalan ang presyo dahil sa mataas na transport fee.

vuukle comment

PORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with