NBI muling pinakilos kontram fixers sa Immigration
MANILA, Philippines — Inatasan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang napaulat na muling operasyon ng mga fixers sa Bureau of Immigration (BI) na ilegal na nagpapapasok ng Chinese nationals sa bansa.
“I have directed the NBI to expand its investigation of ‘fixers’ activities at the BI and find out who their cohorts are among the BI personnel, so that appropriate administrative and criminal charges may be filed against them,” ayon kay Guevarra.
Kasunod ito nang pagkakadakip ng mga tauhan ng NBI sa isang empleyado ng isang law firm na nagpo-proseso ng pasaporte at visa ng mga tatlong Chinese nationals para makapasok sa bansa.
Ito ay sa kabila ng kontrobersya sa BI ukol sa ‘pastillas scam’ na malaking sindikato na nagpapasok ng Chinese nationals kapalit ng pera at maging sex service. Nasa 86 tauhan na ng BI ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal at administratibo dahil sa pagkakasangkot dito.
- Latest