^

Metro

Motorsiklo vs truck: Lady rider lasog, utol sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo vs truck: Lady rider lasog, utol sugatan
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Mary Jane Tarroza Reodique, 42, habang sugatan naman ang kanyang kapatid na si Cyra Jane, 17, estudyante at kapwa residente ng Building G, 121 Camarin, Caloocan City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lady rider habang sugatan ang kanyang nakababatang kapatid nang mahagip ng isang 24-wheeler  tanker truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Talipapa, Quezon City, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Mary Jane Tarroza Reodique, 42, habang sugatan naman ang kanyang kapatid na si Cyra Jane, 17, estudyante at kapwa residente ng Building G, 121 Camarin, Caloocan City.

Samantala, naaresto at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, at damage to property ang driver ng trak  na si Raymund Catapia, 34, ng Brgy. Santo Cristo, Sariaya, Quezon.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Kenneth Refugia, ng QCPD Traffic Sector, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa tapat ng isang gasolinahan sa Mindanao Avenue, patungong Congressional Avenue, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Minamaneho ng suspek ang isang Howo tanker truck (NEJ-2327) sa southbound lane ng Mindanao Avenue, mula sa direksiyon ng Quirino Highway at patungo sa direksiyon ng Tandang Sora Avenue, nang mahagip nito ang mga biktima, na magkaangkas sa isang Motorstar Nicess motorcycle (NG-91983) na minamaneho ni Mary Jane, at noon ay nagyu-U-turn sa naturang lugar mula north patungong southbound lane.

Dahil dito, nakaladkad ang motorsiklo at minalas na magulungan pa ng truck si Mary Jane at maipit sa mga gulong nito, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Samantala, nagtamo rin ng sugat si Cyra Jane at nilalapatan na ng lunas ng mga doktor.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with