COVID-19 vaccination facility ng QCGH, binisita ni Mayor Joy
MANILA, Philippines — Binisita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang COVID-19 vaccination facility ng Quezon City General Hospital (QCGH) sa Brgy. Bahay Toro kahapon.
Nais ng alkalde na personal na makita ang paghahanda sa pagbabakunang isasagawa sa mga health worker at staff nito, sa sandaling dumating na sa bansa ang COVID-19 vaccines.
Matatandaang isa ang QCGH sa 34 na ospital sa bansa na priority ng Department of Health (DOH) na mabigyan agad ng COVID-19 vaccine.
Kasama ni Mayor Joy si QCGH Director Dr. Josephine Sabando nang libutin ang pasilidad na mayroong registration area, reception, counseling, doctor’s assessment, vaccination area, at holding area.
Ang paghahanda sa pasilidad ay batay sa pamantayan ng DOH.
Nabatid na kinikilala ang Quezon City General Hospital para sa mga Best Practices nito sa COVID-19 response.
- Latest