^

Metro

33 barangay sa Pasay ni-lockdown

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
33 barangay sa Pasay ni-lockdown
Partikular na may pinakamataas na kaso ng virus ang Brgy. 107 sa Zone 11, sa Primero De Marso St., ng Pasay City na mahigpit ngayong binabantayan ang entry at exit points matapos matukoy ng Pasay City Health Office na tinamaan ng virus ang 7 seamen, 2 call center agents, isang senior citizen at isang kasambahay at dalawang babaeng negosyante.
Michael Varcas

Kaso ng COVID-19 sumirit

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa sa 20  barangay sa kabuuang bilang na 33 ang inilagay sa lockdown ng Pasay City government dahil sa mataas na kaso ng COVID.

Partikular na may pinakamataas na kaso ng virus ang Brgy. 107 sa Zone 11, sa Primero De Marso St., ng Pasay City na mahigpit ngayong binabantayan ang entry at exit points matapos matukoy ng Pasay City Health Office na tinamaan ng virus ang 7 seamen, 2 call center agents, isang senior citizen at isang kasambahay at dalawang babaeng negosyante.

Nitong Biyernes, Pebrero 19, nang iutos ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano na ilagay sa ‘Extreme Community Quarantine” ang mga barangay na may mga kasong 3 pataas, batay sa rekomendasyon ni City Administrator Atty. Dennis Acorda.

Magtatagal ng hanggang 14 na araw ang localized lockdown sa mga nasabing barangay.

Ginawa ang aksyon makaraang makatanggap ng ulat si Mayor Emi na kamakalawa ay nakapagtala ng 269 kaso ng COVID-19.

Sa datos ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU, nasa 15 kaso lamang ang naitatala kada araw mula Oktubre 2020 hanggang Disyembre at  na kaso kada araw naman mula Enero 2021 hanggang Pebrero 2021.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with