^

Metro

Pinaigting na vaccine information drive, inilunsad ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinaigting na vaccine information drive, inilunsad ng DILG
Layunin nitong higit pang mapataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa national vaccination program ng pamahalaan at mahikayat ang mga ito na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
AFP/Robyn

MANILA, Philippines — Naglunsad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mas pinaigting na public information drive, katuwang ang mga local government units (LGUs) at uniformed personnel.

Layunin nitong higit pang mapataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa national vaccination program ng pamahalaan at mahikayat ang mga ito na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, bagama’t tumaas na ang vaccine demand, marami pa ring ‘disinformation’ at mga ‘fake news’ na naglalabasan kaya’t nais aniya nila itong labanan din sa pamamagitan ng information drive.

Batay aniya sa isang open access online survey na isinagawa ng OCTA CoVAX research team, nasa 55.9% lamang ng 15,651 respondents ang handang magpabakuna habang 77.2% lamang ang nagsabing magpapabakuna lamang sila matapos na majo­rity ng populasyon ang magpaturok nito.

Sinabi ng opisyal na malaki ang hamon na kanilang kinakaharap at tiniyak na gagamitin nila ang lahat ng kanilang resources lalo na ngayong nalalapit na ang pagdating ng bakuna.

Kamakailan lamang ay nakumpleto na ng DILG ang isang webinar-series para sa PNP at kasalukuyang inilalatag ang isa pang webinar series para naman sa Local Government Sector at iba pang attached agencies.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with