Mga sinehan sa Pasig, ‘di pa rin bubuksan
Kahit mag-MGCQ
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mananatili pa ring sarado ang mga sinehan sa lungsod kahit pa mapasailalim ang Metro Manila sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso.
Aminado naman si Sotto na kailangan nang unti-unting buksan ang ekonomiya sa lungsod dahil marami na rin namang mga negosyo ang nagsasara.
Gayunman, dapat aniyang dahan-dahanin lamang ito at balansehin ang lahat dahil sa nananatili pa ring banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Well one thing is certain we do need to open up the economy slowly. Again the key word here is slowly but it also needs to be gradually, slowly and gradually because we have seen how the lockdowns have affected our economy. People have lost jobs, people are going hungry. In Pasig alone, 5 percent of businesses have closed. They filed for retirement, the actual number is probably higher than 5 percent but obviously we have to balance that with protecting our gains when it comes to fighting COVID,” aniya pa, sa isang panayam.
Ayon pa kay Sotto, kumonsulta na sila sa mga eksperto at napagdesisyunan na panatilihin na munang sarado ang mga sinehan at iba pang leisure activities, lalo na at malaki ang panganib na magdulot ito ng hawaaan ng virus.
Bukod sa mga sinehan, kabilang din sa mga planong pananatilihing sarado muna ay ang mga video game arcades dahil kulob ang mga ito at naka-airconditioned pa.
Plano rin aniya nilang gawing prayoridad ang pagbubukas ng mga paaralan, sa halip na ang mga lugar na libangan lamang.
“Well on the issue of cinemas again whether you call it GCQ or MGCQ for now, we’ll have cinemas remain closed here in Pasig,” aniya pa.
- Latest