Completion ng MRT-7, target sa Disyembre 2022
MANILA, Philippines — Target ng food at infrastructure giant na San Miguel Corp. (SMC) na tuluyan nang matapos ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) elevated railway sa Disyembre ng susunod na taon, upang makapagbigay ng serbisyo sa publiko.
Ayon kay SMC President Ramon Ang, target nilang masimulan ang unang test run sa Hunyo, 2022.
Kumpiyansa rin siyang makakamit ang full at complete operations ng MRT-7 hanggang Disyembre, 2022.
Ang naturang P63-bilyong proyekto ang inaasahang siyang mag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at sa San Jose del Monte, Bulacan.
Taong 2016 nang masimulan ang konstruksiyon ng MRT-7.
- Latest