^

Metro

Shootout: 2 holdaper utas

Pilipino Star Ngayon
Shootout: 2 holdaper utas
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspect na inilarawan lamang na kapwa nasa 35 hanggang 40-anyos, nasa 5’4” hanggang 5’5” ang taas, katamtaman ang laki ng katawan, kapwa nakasuot ng Jag inner t-shirt at itim na jacket, at parehong armado ng kalibre .38 baril.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaking sinasabing mga holdaper nang makaengkuwentro ng mga alagad ng batas sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa  mga napatay na suspect na inilarawan lamang na kapwa nasa 35 hanggang 40-anyos, nasa 5’4” hanggang 5’5” ang taas, katamtaman ang laki ng katawan, kapwa nakasuot ng Jag inner t-shirt at itim na jacket, at parehong armado ng kalibre .38 baril.

Samantala, tinutugis pa ng mga awtoridad ang dalawa pa nilang kasamahan na parehong nakatakas.

Sa ulat ng QCPD-Batasan Police Station (PS 6) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Romulus Gadaoni, dakong alas-11:50 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa Doña Nicasia St., kanto ng Payatas Road, sa Brgy. Commonwealth.

Nauna rito, dakong alas-8:30 ng gabi ay tinutukan ng baril at hinoldap ng mga suspek ang isang 33-anyos na rider habang ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa footbridge sa  tapat ng Diliman Doctors Hospital.

Nang matangay ang pakay ay tumakas ang mga ito sakay pa ng motorsiklo ng biktima.

Kaagad naman na nagtungo sa presinto ang biktima at isinumbong ang insidente.

Pagsapit naman ng alas-11:35 ng gabi ay ang Mister Samgyupsal naman na matatagpuan sa Phyton St., Brgy. Batasan Hills ang hinoldap ng mga suspect.

Nagsasara na umano ng tindahan ang may-ari nang bigla na lang pumasok ang isa sa mga suspek at kaagad na nagdeklara ng holdap, saka tinangay ang kanyang kita at mahahalagang  gamit.

Tumakas muli ang mga suspek, sakay ng kinarnap na motorsiklo ng unang biktima.

Kaagad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Unit (TMRU) at namataan ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Pinara ng mga awtoridad ang motorsiklo ng mga suspek upang beripikahin, ngunit sa halip na huminto ay humarurot pa ang mga ito upang tumakas.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa makarating sa Nokia St. sa Brgy. Commonwealth, ngunit sa halip na sumuko ay nagpaputok ang mga suspek sa mga pulis.

Napilitan namang gumanti ng putok ang mga pulis, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek ngunit nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan.(Mer Layson)

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with