^

Metro

2 timbog sa P.2 milyong shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang ‘tulak’  sa magkahiwalay na buy-bust operation kung saan  nasabat ang nasa  mahigit  P.2 milyon halaga ng shabu sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Sa report, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga ope­ratiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)  ng buy-bust operation sa M. Domingo St. Brgy. Tangos North.

Nagpanggap na buyer ang  isang pulis na nagawang makapagtransaksyon sa kanilang target na si Janine Cruz, 28 para makabili ng shabu.

Nang tanggapin ni Cruz ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

Narekober kay Cruz ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga at buy-bust money.

Nauna rito, dakong alas-9 ng gabi nang madakma rin ng  operatiba ng SDEU si Elmer Roldan, alyas Memey, 43, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Perry 4, Brgy. San Roque.

Nakuha  kay Roldan ang nasa 4.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P30,600 ang halaga, at P500 buy-bust money.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with