^

Metro

Anti-Smuggling Task Force sa agricultural products hiniling itatag

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Anti-Smuggling Task Force sa agricultural products hiniling itatag
Ininspeksyon ni Department of Agriculture Secretary William Dar ang mga baboy buhat sa Biotect Farms sa Pier 18 sa Tondo, Manila na duma­ting kahapon. Nabatid na ang mga baboy ay buhat sa South Cotabato at ikakalat sa mga pamilihan sa Metro Manila sa ilalim ng pinaiiral na price cap ng pamahalaan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Upang matutukan ang malakawang smuggling ng agricultural products sa bansa na kung tawagin ay undervaluation at misdeclaration, hiniling ni Nicanor ‘Nick’ Briones, Pangulo ng Agriculture Sector Alliance of the Phils. at Vice President ng Pork Producers of the Phils., kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng Anti-Smuggling Task Force.

Ayon kay Briones, bumabaha ng mga frozen products at iba pang agricultural products sa bansa na maliwanag na ang nakikinabang dito ang mga importer/smuggler na nagreresulta ng halos P40 bilyon taun-taon ang nawawalang kita ng bansa, na sa halip na malaki sanang tulong ito para sa mga magsasaka, magmamanok at magbababoy lalo na sa panahon ng pandemya upang makabawi ang mga ito sa kanilang pagkalugi lalo na iyong mga tinamaan ng mga peste sa kanilang mga alagang hayop at mga panananim tulad ng African Swine Fever (ASF) sa mga baboy.

Paliwanag ni Briones, kung tinugunan lamang ng pamahalaan ang panawagan na bayaran ng P10,000 ang bawat baboy na tinamaan ng ASF, maaari pang makapagsimulang muli o mag­dagdag ng alaga ang mga magbababoy.Sa ngayon, patuloy na kumakalat ang sakit na ASF, dahil hindi na nagdedeklara ang mga magbababoy na tinamaan ng sakit ang kanilang mga alaga.

Muling umapela si Briones, sa pamahalaan na gumawa ng tamang programa ang Department of Agriculture (DA) at hindi panay pag-i-import ang ginagawang solusyon sa kasalukuyang problema sa agrikultura na lalo lamang nagpapahirap sa mga konsyumer at magsasaka.

Sinabi pa ni Briones, na kung nilagyan ng price ceiling ang mga lokal na produkto ng karne ng baboy at manok sa palengke nararapat din lagyan ng DA ng price ceiling ang mga imported o frozen meat sa halagang P160 hanggang P180 kada kilo kung saan ang presyo nito sa merkado P270 hanggang P300 kada kilo.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

PORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with