^

Metro

Traffic enforcer itinumba pagkatapos ng isinagawang clearing operation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcer itinumba pagkatapos ng isinagawang clearing operation
Kinilala ni P/Major Rolando T. Santiago, station duty officer ng Tunasan Sub-Station, ang nasawi na si Daniel Manalo, supervisor ng MTMB at residente ng Phase 1, NBP, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.
STAR/File

P200K reward vs suspect inilabas

MANILA, Philippines — Patay ang ang isang 36-anyos na mi­yembro ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) nang barilin sa ulo habang nakatalikod matapos ang isinagawang clea­ring operation sa road obstruction sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Rolando T. Santiago, station duty officer ng Tunasan Sub-Station, ang nasawi na si Daniel Manalo, supervisor ng MTMB at residente ng Phase 1, NBP, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa sa tapat ng isang tindahan, sa national road ng Brgy. Tunasan.

Ayon sa saksing si Saimon Padulayan, 29, miyembro rin ng MTMB, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa sila sa lugar ng anti-tricycle clearing operations at matapos iyon ay nagtungo sila sa isang tindahan na malapit lang doon.

Dakong alas-7:10 ng gabi nang tumunog ang cellphone ng biktima kaya lumabas ito ng tindahan at sa labas na sinagot ang tawag. Habang nakikipag-usap ang biktima ay biglang lumutang ang isang lalaki na tinutukan at mabilisang pinaputukan sa ulo ang nakatalikod na biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Isang basyo ng bala ng kalibre 45 pistola ang natagpuan sa crime scene.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa krimen at pagkilanlan ng salarin at sinisilip kung may kaugnayan sa clearing operation ang pamamaril.

Samantala nagpalabas naman ng P100,000 reward money ang pamahalaan ng Muntinlupa at karagdagan pang P100K din buhat kay Cong. Ruffy Biazon sa sinumang makapagbibigay impormasyon para sa ikadarakip ng suspect.

vuukle comment

PATAY

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with