^

Metro

Health workers nagdaos ng ’Black Hearts Protest’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdaos ng isang ‘Black Hearts Day protest’ ang mga health workers sa harapan ng tanggapan ng House of Representatives sa Quezon City, kahapon.

Nagtipun-tipon sa naturang lugar ang mga miyembro ng Alliance of Health Workers (AHW), na pawang nakasuot ng mga face mask at face shields, upang ihayag ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.

May kani-kaniya silang bitbit na mga itim na papel na ginupit ng malaking hugis puso, kung saan nakasulat ang kanilang mga panawagan sa pamahalaan.

Kabilang sa mga panawagan ng grupo sa gobyerno ay ang pagkakaroon ng umento sa sahod, ma-regularize ang mga contractual na health workers at maamiyendahan ang Magna Carta of Public Health Worker.

Hiling din naman nila ang pagkakaroon ng libre, ligtas at epektibong bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) para sa lahat. Tiniyak naman ng mga health workers na tumatalima sila sa health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang isinasagawa ang kilos-protesta upang masigurong hindi magkakaroon ng hawaan ng virus.

 

vuukle comment

PROTEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with