^

Metro

Mobile vaccine clinic ng PRC dineploy sa Metro Manila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mobile vaccine clinic ng PRC dineploy sa Metro Manila
Ayon kay Mark Abrigo, head ng health services ng PRC, nasa 183 na bata sa Metro Manila ang target nilang mabakunahan laban sa mga naturang sakit.
KJ Rosales

Para magbakuna ng mga bata

MANILA, Philippines — Isang mobile vaccine clinic ang idineploy sa Metro Manila ng Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon upang magbakuna ng mga bata laban sa measles at rubella.

Ayon kay Mark Abrigo, head ng health services ng PRC, nasa 183 na bata sa Metro Manila ang target nilang mabakunahan laban sa mga naturang sakit.

Ang mobile vaccine clinic ay mayroong cold storage facility at dalawang inoculation station.

Nais aniya nilang praktisin pa ito dahil plano rin nilang gamitin sa gagawing pagtulong sa COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Abrigo na sa ngayon ay nakapagbakuna na sila ng may 175,000 paslit laban sa polio, measles at rubella sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at buong Visayas.

Target din aniya ng humanitarian organization na makakuha ng may 6,000 karagdagang vo­lunteers para sa kanilang COVID-19 vaccination effort.

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with