^

Metro

Libreng online tutorial platform, inilunsad ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang isang libreng online tutorial platform na ipinapasilidad ng mga expert educators upang mapaghusay pa ang kalidad ng edukasyon sa ilalim ng umiiral na distance learning sa bansa.

Matatandaang nagpapatupad ngayon ang DepEd ng distance learning dahil sa nananatiling banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DepEd, ang natu­rang bagong learning platform ay tinatawag nilang “ETULay,” na halaw sa wordplay na ‘ETU’ at ‘itulay,’ na siyang tagalog ng English word na ‘bridge.’

Naglalayon itong mapunuan ang mga kakulangan at mapag­husay ang kalidad ng pagkatuto ng mga bata, sa ilalim ng distance learning setup.

“We have to come up with creative ways in modernizing our education system and it will require the upgrade of learning delivery through the full and creative use of technology in the digital age,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa isang kalatas na inilabas nitong Sabado.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na ang “ETULay Initiative” ay isa sa maraming hakbang na isinasagawa ng DepEd upang masigurong ang transpormas­yon o pagbabago ay nagaganap para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.

Nabatid na ang “ETULay” ­initiative ay isinulong ng Information and Communications Technology Service – Educational Technology Unit (ICTS-ETU) ng DepEd, na pinamumunuan ni Mark Anthony Sy.

Idinisenyo rin ang “ETULay” base sa lingguhang Most Essential Learning Competencies (MELCs) upang mabigyan ang mga magulang at mga mag-aaral ng mas madaling pamamaraan sa pagsagot ng Self-Learning Modules.

Ang livestream ng mga session ay maaaring mapanood sa official Facebook pages ng DepEd Philippines, DepEd Tayo, at DepEd EdTech Unit, gayundin sa DepEd Edtech Unit at DepEd TV’s Youtube channels.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with