^

Metro

Arrest warrant inilabas vs konsehal sa tax evasion

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglabas ng warrant of arrest ang Caloocan RTC Branch 126 laban sa isang konsehal sa nabanggit na lungsod kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue at ng Dept. of Justice (DOJ).

Kinilala ang konsehal na si Alexander Mangasar ng Caloocan City.

Si Mangasar ay may pagkakautang sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 na income tax at P1,416,004.12 na value added tax, kasama na ang penalty at interest, na hindi nabayaran ng kanyang kompanyang Xander Marketing noong taong 2011.

Inilabas ni Acting Presiding Judge Misael Ladaga noong Lunes, ika -8 ng Pebrero 2021 ang warrant of arrest.

Naglaan naman ang korte ng P60,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Mangasar.

Ang reklamong tax evasion ay isinampa nina re­venue officers Marilyn Alonzo, Teresita Origen at John Daniel Cruz matapos paulit-ulit na hindi pansinin ni Mangasar ang kanilang demand na bayaran ang orihinal na mahigit P1.3 milyon na pagkakautang ng Xander Marketing sa BIR.

Si Mangasar ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 255, Chapter 2 ng National Internal Re­venue Code of the Philippines (NIRC).

Unang inimbestigahan ang kompanya noon pang 2013. Pormal na isinampa ng Caloocan City Prosecutor’s Office ang reklamo sa DOJ noong 2019.

Si Mangasar ay kilalang kaalyado sa politika ni Cong. Egay Erice mula sa ika-2 Distrito ng lungsod.

Wala pa namang ibinibigay na pahayag si Ma­ngasar sa isyu

vuukle comment

DOJ

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with