^

Metro

35 dayuhang sex offenders, ban na sa Pilipinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaalerto ngayon ang Bureau of Immigration (BI) para hindi makapasok sa Pilipinas ang 35 mga dayuhan na nahaharap sa iba’t ibang sexual offense sa kanilang mga bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagkakakilanlan sa 35 ‘registered sex offenders (RSO)’ ay regular na ipinapadala ng mga counterpart nila na ibang bansa para agad mailagay sa blacklist at hindi na makapambiktima sa Pilipinas.

Ang isang RSO ay tumutukoy sa isang dayuhan na dating nahatulan sa isang “sex crime” sa kanyang bansa, na natapos nang pagsilbihan ang kanyang sentensya, nasa parol o probasyon.

Karamihan sa mga nasabing dayuhan ay sangkot sa pangmomolestiya sa mga menor-de-edad o kaya naman ay child trafficking sa internet.

Sa ilalim ng Philippine Immigration Act, ang mga dayuhang nahatulan sa mga krimen tulad ng pangmomolestiya ay agad na haharangin na makapasok sa alinmang daungan o paliparan sa bansa.  Pababalikin sila sa kanilang bansa at ipaalam sa mga awtoridad doon ang pagkakasabat sa kanila.

Sinabi pa ni Morente na malaking banta sa Pilipinas ang mga RSO lalo na sa kapakanan ng kababaihan at kabataang Pinoy.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with