^

Metro

Limitadong ‘face-to-face classes’ sa UST, inaprubahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Limitadong �face-to-face classes� sa UST, inaprubahan
Sa ilalim ng joint memorandum circular ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH), nakasaad na kailangan munang komunsulta ng mga unibersidad sa kanilang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng ‘face-to-face classes’ at mapag-usapan ang pagsunod sa health protocols.
STAR/File

MANILA, Philippines — Maaari nang makapagsagawa ng limitadong ‘face-to-face classes’ ang University of Sto. Tomas (UST) makaraang aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang panukala para sa pang-medikal at health programs ng pamantasan.

Sa ilalim ng joint memorandum circular ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH), nakasaad na kailangan munang komunsulta ng mga unibersidad sa kanilang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng ‘face-to-face classes’ at mapag-usapan ang pagsunod sa health protocols.

Nakipagpulong naman ang mga opisyales ng UST kay Mayor Moreno at pinag-usapan ang pagtugon sa mga protocols, tamang bilang ng mag-aaral, at contingency plan sakaling may estudyante, faculty o mga staff ang magpositibo sa COVID-19.

“Consider it approved. We will just follow the memoranda of CHED,” ayon kay Moreno sa mga opisyal ng UST.

Ngunit nilinaw din ni Moreno sa mga opisyal ng UST na hindi dapat pilitin ang isang estudyante kung ayaw nilang sumali sa ‘face-to-face classes’.

Tiniyak din ng alkalde na isa ang mga guro sa magiging prayoridad ng lokal na pamahalaan sa unang batch ng ‘vaccination program’  residente ng Maynila o hindi.

vuukle comment

FACE TO FACE

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with