^

Metro

Child seat sa private cars, ipatutupad simula ngayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Child seat sa private cars, ipatutupad simula ngayon
Bilang pagtalima sa ipapatupad na batas kaugnay sa Child Safety in Motor Vehicles Act simula sa araw na ito makikita ang lalaking ito na naglalagay na ng child seat sa kanyang sasakyan na naglalayong maprotektahan ang mga bata sa mga disgrasya sa lansangan.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Epektibo na simula nga­yon, Pebrero 2 ang pagpapatupad sa Child Safety in Motor Vehicle Acts na magbabawal sa mga batang may edad 12-anyos pababa na umupo sa front seat ng mga pribadong sasakyan.

Ang naturang batas ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang nakalipas na Pebrero 2019 pero ngayon lang magiging epektibo ang mandatory compliance nito.

Base sa kautusan  ang mga bata na hindi maaabot ang itinakdang height requirement ay kailangang gumamit ng child restraint system o car seat.

Idiniin ng LTO na ang child restraints sa mga sasakyan ay kailangan para na rin sa kaligtasan ng mga ito.

Sakali umanong magkaroon ng aksidente malaki ang maitutulong nito upang hindi tumilapon ang mga bata sa loob ng sasakyan.

Kasabay din nito, pi­nayuhan na rin ng LTO ang mga pamilyang may malalaki o matataas na anak na gumamit ng mas malakng sasakyan.

Umaasa rin ang LTO na makikipagtulungan ang publiko sa bagong batas na pasisimulang ipatupad ngayong araw.

Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng mula P1,000 hanggang P5,000.

 

vuukle comment

CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with