^

Metro

Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila - PAGASA
Sa tala ng PAGASA, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ay 6.3°C noong January 18, 1961 o may 60 taon ng nakalilipas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang malamig na panahon sa Metro Manila partikular sa madaling araw dahil sa hanging amihan.

Ito ang pahayag ng Pag­Asa makaraang makaranas ng malamig na panahon na 9.4°C sa Baguio at 19.9°C temperatura sa Metro Manila nitong nagdaang araw ng Linggo, January 31.

Ayon kay Chris Perez, senior weather specialist ng PagAsa, ang lamig na dala ng hanging amihan ay aabot pa hanggang sa 2nd o sa 3rd week ng Pebrero sa Metro Manila lalo na sa Baguio .

Ang panahon ng amihan ay pumasok sa ating bansa simula noong Nov. 2020 .

Sa tala ng PagAsa, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City  ay 6.3°C noong January 18, 1961 o may  60 taon ng nakalilipas.

Bukod sa malamig na panahon, ang amihan ay nagdadala rin ng pag-ulan. Inulan naman sa pagpasok ng Pebrero ang  Eastern Visayas, Caraga, at Davao  Region dahil sa amihan.

 

vuukle comment

WEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with