^

Metro

Mayor Vico: Contact tracing app ng Pasig, magsisilbing registration sa pagbabakuna

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico: Contact tracing app ng Pasig, magsisilbing registration sa pagbabakuna
Sa datos ng lokal na pamahalaan, nabatid na mayroon nang mahigit na isang milyong residente ng Pasig City ang rehistrado sa PasigPass, simula nang ilunsad ito ng lokal na pamahalaan noong Oktubre.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi na kakailanganin pa ng kanilang mga residente na magparehistro upang makakuha ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito’y dahil gagamitin na lamang anila ng city government ang kanilang contact tracing app na ‘PasigPass’ at siyang magsisilbing re­gistration o rehistro ng mga residente.

“Para seamless, so mas mabilis. Hindi na kailangan ng panibagong rehistrasyon,” anang alkalde, sa isang panayam.

Sa datos ng lokal na pamahalaan, nabatid na mayroon nang mahigit na isang milyong residente ng Pasig City ang rehistrado sa PasigPass, simula nang ilunsad ito ng lokal na pamahalaan noong Oktubre.

Sinabi pa ng alkalde na bukod naman sa PasigPass, kailangan din ng mga residente na nais magpabakuna na magdala ng isang balidong identification card (ID).

Nabatid na halos 200,000 frontliners, indigents, senior citizens at mga unipormadong personnel ang prayoridad ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng bakuna.

Nabatid na target ng Pasig City na mabakunahan laban sa COVID-19 ang may 700,000 residente nila.

Natukoy na aniya nila ang mga lugar na gagamiting vaccination centers sa lungsod at tiniyak na handang-handa na silang magbakuna ng mga re­sidente  sa sanda­ling dumating na ang mga COVID-19 vaccine sa bansa.

vuukle comment

CONTACT TRACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with