^

Metro

1 sa 4 na nangholdap sa LBC, patay sa lady cop

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1 sa 4 na nangholdap sa LBC, patay sa lady cop
Sa inisyal na report ng Quezon City Police District (QCPD) ang panghoholdap ng apat na suspek ay naganap sa sangay ng LBC sa Matalino Street, Brgy, Pinyahan, Quezon City ay dakong alas-300 ng hapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa apat na holdaper na nanloob sa isang sangay ng LBC makaraang makipagbarilan sa isang nakasibilyang policewoman sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa nasawing suspect.

Isa pa ang nadakip, pero binebiripika pa ang pangalan habang dalawa ang nakatakas.

Sa inisyal na report ng Quezon City Police District (QCPD) ang panghoholdap ng apat na suspek ay naganap sa sangay ng LBC sa Matalino Street, Brgy, Pinyahan, Quezon City ay dakong  alas-300 ng hapon.

Nabatid mula kay Police Col. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District Station 10, pumasok ang apat na suspek sa LBC, nagkunwaring mga kostumer pero malaunan ay nagdeklara ng holdap.

Habang kinukuha ang pera sa kahera   ay isa namang policewoman ng Quezon City na nakasibilyan at nagkataong nagpapadala rin ng pera ang nakipaglaban sa mga suspek na nagresulta ng pagkamatay ng isa, isa pa ang nadakip at dalawa ang nakatakas.

Nang magsilabasan ang mga holdaper ay isa rito ang nabaril at napatay habang nakatakas ang dalawa pa.

Umaabot naman sa P70,000 cash ang sinasabing natangay ng dalawang nakatakas.

vuukle comment

LBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with