^

Metro

Koreano na lider ng online prostitution, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Koreano na lider ng online prostitution, arestado
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Seo Jung­nam, 41, nakatira sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, sa naturang lalawigan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Koreano na itinuturong lider ng isang sindikato ng online prostitution sa isinasagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa kaniyang bahay sa Angeles City sa Pampanga.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Seo Jung­nam, 41, nakatira sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, sa naturang lalawigan.

Unang nabatid ng BI base sa impormasyon mula sa Interpol Seoul na nagtatago sa bansa si Seo na isang wanted sa kaniyang bansa mula pa noong 2015 dahil sa pagkakasangkot sa ‘sexual exploitation’ at prostitusyon dahil sa paglalagay ng ‘prostitution advertisements’ sa mga internet websites.  Nagpalabas na rin ang Uijeongbu District Court sa South Korea ng arrest warrant laban kay Seo noong 2018.

Nabatid na aabot na sa 32 milyong Korean Won o P1.3 milyon ang kinita ni Seo at kaniyang mga kasamahan sa pagpapatakbo ng prostitution online site na “Playboy” sa kanilang bansa.  Agad siyang nagtago sa Pilipinas bago pa man makapaglabas ang korte ng arrest warrant.

Natukoy naman ng BI-Fugitive Search Unit ang kinaroroonan ni Seo at nagkasa ng operasyon sa koordinasyon ng embahada ng South Korea.Dito siya natunton ng mga operatiba at dinakip.

Nakaditine na sa Immigration Warden Facility sa Taguig City si Seo na isasailalim sa COVID-19 swab test saka uumpisahan ang repatriation sa kaniya pabalik ng South Korea.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with