^

Metro

‘Mock vaccination’ ikinasa sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Mock vaccination� ikinasa sa Maynila
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang isinagawang ‘mock vaccination’ sa lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng tunay na pagbabakuna. Inaasahan ng lungsod ng Maynila ang COVID-19 vaccines para sa may 400,000 residente sa taon na ito.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinalakas pa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang kanilang paghahanda para sa ‘vaccination program’ makaraang magsagawa ng ‘mock vaccination’ sa kanilang mga opisyales sa loob ng Universidad de Manila, kahapon ng umaga.

Nabatid na 20 direktor at empleyado ng city hall ang isinailalim sa kunwaring pagpapabakuna para mabatid kung gaano katagal ito isasagawa at para malaman kung anong mga problema ang maaaring kaharapin sa oras na mag-umpisa na ang totoong pagpapabakuna.

Kabilang sa mga hakbang sa pagpapabakuna kung nakapagparehistro na ang isang tao ay una, pagtukoy sa vital signs; ikalawa ay ang ‘screening at verification’; ikatlo ang aktuwal na pagturok ng bakuna at ikaapat ang paglalagay sa kanila sa observation area.

Kung hindi naman nakapagparehistro, kailangan munang sumailalim sa ‘walk-in registration’ ang isang magpapabakuna bago siya maturukan. Pinayuhan ng city hall ang mga Mani­lenyo na magparehistro muna upang mas mapabilis ang pagpro­seso sa kanila.

Muling magsasagawa umano ng iba pang ‘mock vaccination’ ang lungsod para naman sa ‘large scale’ sa mga susunod na araw.

Nitong Lunes, dumating na rin ang siyam na ‘refrigeration machines’ na pag-iimbakan ng mga bakuna sa pagdating ng mga ito matapos na magsagawa na ng inisyal na order si Manila Mayor Isko Moreno. Personal na ininspeksyon ni Moreno ang naturang mga aparato sa sa Sta. Ana Hospital na siyang magiging CO­VID-19 Vaccine Storage Faci­lity ng siyudad.

Bukod sa mga ito, umorder na rin si Moreno ng 50 transport coolers na ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod kapag opisyal nang ikinasa ang ‘vaccination operations’.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with