^

Metro

Ginang, inasinta sa mata, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isang ginang nang malapitang barilin sa mata ng isang ‘di kilalang salarin habang abala sa paglalaro ng games sa kanyang cellphone at nagpapaantok sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Pag-asa, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Yolanda Cariaga, alyas ‘Dian,’  47, at residente ng  T. Sora St., San Roque-2, Brgy. Pag-asa.

Batay sa ulat ni PSMS Marvin P. Masangkay ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nabatid na dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob mismo ng tahanan ng biktima.

Nauna rito, naglalaro ng games sa kanyang cellphone ang biktima at nagpapaantok nang pasukin ng ‘di-kilalang lalaki.

Walang sabi-sabing agad na pinaputukan ng baril ng salarin ang biktima sa kanyang kanang mata, na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Mabilis namang lumabas ng bahay at tumakas ang salarin. 

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspect.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with