^

Metro

Rider salpok sa taxi, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang sumalpok ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa isang taxi sa Brgy. Mariana, Quezon City, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Al-khalid Mahir, 29, residente ng SMDC, Welcome Rotonda, Quezon City, na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Samantala, nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4 ang taxi driver na si Demetrio Sabanal, 42, residente ng Reparo Road, Caloocan City, at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at da­mage to property .

Batay sa ulat ni Pat. Kervin Villa, nabatid na dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., kanto ng Ilang-ilang St. sa Brgy. Mariana.

Nauna rito, sakay ng kanyang Suzuki Raider 150 na may plakang 136610 ang biktima at kasalukuyang binabaybay ang nasabing lugar, nang bigla na lang umano itong sumalpok sa kanang bahagi ng taxi (UVK-714 ) na minamaneho naman ni Sabanal.

Sa lakas ng impact nang pagkakabangga ay tumilapon si Mahir, at natanggal ang suot nitong helmet kaya’t matinding napinsala ang ulo dito nang tumama ito sa sementadong kalsada.  

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with