^

Metro

275K doses ng AstraZeneca, ikinasa ng Pasay LGU

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May nakalaan nang 275,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang Pasay City go-vernment para sa libreng bakuna sa mga residente.

Inihayag ito kahapon ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano matapos magsara na ng deal ang lokal na pamahalaan at ang AstraZeneca pharmaceutical company para sa biniling 275,000 doses ng nasabing bakuna.

“Libre po ang bakuna para sa mga residente ng Pasay City. Nasa priority list namin ay mga healthcare workers at mga senior citizens,” ani Mayor Emi.

Ipinaliwanag niya na ang nasabing brand ang napili dahil sa affordable, may high efficy rate, at simpleng handling lang.

Sinasanay na rin aniya, ng LGU ang ilang personnel para sa vaccination, kasabay ng patuloy na ugnayan sa ginagawang mga hakbang ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Task Force on COVID-19.

vuukle comment

ASTRAZENECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with