^

Metro

3 bata sinadlak sa online exploitation, na-rescue

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong batang babae na biktima ng sexual online exploitation ng isang American national na nakabase sa Estados Unidos sa ikinasang operasyon kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa NBI, isinagawa ang operasyon makaraang makipag-ugnayan ang Fe­deral Bureau of Investigation (FBI) sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) ukol sa na-monitor na sexual exploitation sa isang American website na nagpapakita ng mga larawan at video ng mga batang Filipina.

Ipinasa naman ang imbestigasyon nito sa NBI na sa kanilang pagsisiyasat ay lumalabas na isang Filipina ang nagpapadala ng mga sexual materials sa Amerikano kapalit ng ipinapadalang mga dolyares mula noong 2018 hanggang 2019.  Ginagamit naman ng Amerikano ang mga materyales sa kaniyang porn website.

Nabatid na umabot na sa US$2,680 ang natanggap na pera ng Pinay buhat sa Amerikano.Ipinapadala ang mga materyales sa pamamagitan ng Facebook messenger application.

Dito nagsagawa ang NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ng operasyon sa Dasmariñas City, Cavite na nagresulta sa pagkakasagip sa tatlong batang babae habang  nadakip ang ina ng isa sa mga bata.

Nasa pangangalaga ngayon ng isang shelter sa lalawigan ng Rizal ang tatlong batang babae habang nakatakdang magsampa ng kasong “human trafficking” ang  NBI sa suspek base sa mga ebidensyang kanilang nakalap. — Cristina Timbang

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with